dyaryo ipis
Wednesday, November 15, 2006
Wag "Ano?" kundi "Baket?"
Sa pagbisita ko sa mga porums ng mga "artist" community, napapansin ko na may mga indibidwal na paulit ulit nagtutulak ng usapin ng kung "ano ang art?" bilang isang dating estudyante ng mataas na sining sa isang unibersidad at ngayon ay nagsisilbi sa korporasyon ng internet ay masasabi ko lang na napagbigyan na ako ng sobra sobrang diskyusyong sa ganitong tipo, at ako ngayon ay sawang sawa na.

tulad ng diskusyon ng atheist at isang relihiyoso, ito ay isang diskusyon na malamang walang kahihinatnan kundi magkatumbas na pagkayamot at panibagong pagmamalaki mula sa parehong kampo. nakakalungkot na pinagaaksayahan ng panahon ng mga taong to ang isang tanong matagal ng pinaglipasan ng importansya. eto sasabihin ko sa inyo, ang tila ba hindi naiintindihan ng mga taong ito ay hindi nila masasagot ang tanong na yan dahil mali ang paraan ng pagtatanong nila. wag mong tanungin kung ano ang art. hindi, hindi mo masasagot yan. at kung mangahas ka man ay siguradong sasalubungin ka ng samu't saring opinyon, edukasyon at arogansya na malamang imbis na mas malapit ka sa pinakamimithi mong kasagutan ay mababalik ka lang uli kung saan ka nagsimula. ang tanong, ay hindi kung ano ang art, kundi, "sino ba ang nagsasabi kung ano ang art?"
at malamang kailangan mo din tong itanong sa sarili mo. ano ba ang pinapaniwalaan mong depenisyon ng art? yaon bang nilalako ng mga fine-arts schools? mga gallery's ng lifestyle network? ng mga ekspertong kanluranin? malamang dito pa lang alam mo na ang sagot sa nauna mong tanong.

Sakaling alam mo na nga, ang sunod na tanong ay, "Baket mo tinatanong?" ito ba ang nakikita mong maghahatid sayo ng linaw kung paano mo tatalakayin ang trabaho mo sa mundo? marahil bilang isang "artist?" o bilang isang tao? Kung gusto mong sagutin kung ano ang magiging gabay mo sa pagtupad ng layunin mo, ang kailangan mo ng malaman ay kung ano ang mahalaga sayo. at wag mong sabihing "malaman ang ibig sabhin ng art." alam mo na ito malamang. ang problema, kinukwestyon mo ang nalalaman mo dahil sa pakiramdam mo ay may importante kang papel sa pag diskubre ng pinakatatagong sikreto nito. Ang masasabi ko lang sayo, nung nagaaral pa ako sa kolehiyo, interesado din ako dyan. malamang may ilang pang estudyanteng katulad ko. ganun din ang ibang estudyante sa ibang paaralan. mga taong bahay na nanonood sa dvd ng "art films." at i-multiply mo pa para masama lahat ng mga "art communities" sa mundo. isama mo na rin ang ilang henerasyon na nagdaan na bago sa tin. lahat sila ganun ang pakiramdam. di magandang balita sayo. lahat sila mabibigo kung hindi nila mabilis na mauunawaan na ang tamang tanong ay hindi kung "ano" kundi kung 'bakit' at papaano.

paano naging "art?" sino ang tumatawag na "art?" at ilan? payag ka ba? kung hindi, kailangan ba talagang pumayag ka o hindi bago maging "art" ang isang bagay? ano ang nagbibigay sayo ng lisensya kung sakali mang magkaroon ka nga ng karapatan makihalubilo sa mga grupong nagtatawag ng kung ano ang "art."

gustong gawing seryoso ng ilan. ang iba ay gustong gawing katatawanan. mas tama ba ang isa laban sa isa? kailangan ba na may mas tama sa kanila? kung pareho naman silang produkto ng relatibong pagtingin at pagsusuri?

wag mong itanong kung ano, marami nang sumagot nyan. mula kay bertolt bretch, pablo picasso, andre breton, alice guillermo, at malamang pati ang kapitbahay mo. ang kailangan mo na lang ay pumili ng isa na babagay sa balangkas ng pagiisip mo.

-juan ipis
Tuesday, October 17, 2006
Paunang Salita
hello. ang magiging tahanan ng dyaryo ipis

ARCHIVES
October 2006 / November 2006 /


Powered by Blogger